BIAG NI LAM-ANG (ILOCANO)
MGA TAUHAN:
Lam-ang
Siya ang bayani sa epiko. Isang matapang na mandirigma na may kakaibang lakas.
Don Juan
Siya ang ama ni Lam-ang na isang haciendero. Pinatay siya ng mga Igorot Tatuan.
Namongan
Siya naman ang mapagmahal na asawa ni Don Juan at maarugang ina ni Lam-ang.
Igorot Tatuan
Ang tribong pumatay sa ama ni Lam-ang. Sila din nakalaban at ginapi ni Lam-ang.
Ines Kanoyan
Siya ay magandang babaeng inibig at pinakasalan ni Lam-ang.
Rarang
Isang isdang tradisyunal na hinuhuli ng mga bagong kasal na lalaki.
Berkakan/ Berkahan
Isang pating na kumain at lumunok ng buhay kay Lam-ang.
Aso at Tandang
Ang dalawang alagang hayop ni Lam-ang. Sila ay may taglay na kapangyarihan at tumulong kay Lam-ang sa panliligaw kay Ines Kanoyan. Sila din ang bumuhay kay Lam-ang matapos itong kinain ng Berkakan.
Sumarang
Siya ang karibal ni Lam-ang sa panliligaw kay Ines Kanoyan.
Sirandang
Siya ang umakit kay Lam-ang.
Lakay Marcos
Siya ang matandang inutusan upang sisidin ang buto ni Lam-ang.
MAHALAGANG PANGYAYARI:
-NOONG KABATAAN NI LAM-ANG.
ANG PAGSAPIT NI LAM-ANG SA LUPALOP NG MGA IGOROT
ANG PAGHAHANDA SA ISANG URI NG GUGO O LIHIYA.
- ANG PAGTUNGO NI LAM-ANG SA BAHAY NI INES KANNOYAN
ANG TUNGGALIAN SA PAGITAN NI LAM-ANG AT NI SUMARANG
. ANG PARAAN NI LAM-ANG UPANG MAKAKUHA ANG ATENSIYON
ANG PAGPAPAHAYAG NI LAM-ANG NG KANYANG PAG-IBIG.
- ANG TRADISIYON NG PAGSISID NG LALAKI SA ILOG UPANG HUMULI NG ISDA PAGKATAPOS NG KASAL.
ANG PAGKUHA NG BUTO NI LAM-ANG.
ARAL:
Ang paggawa ng pasiya at desisyon ay napakahalaga, isipin muna ang magiging resulta at bunga ng gagawing aksyon.