HINILAWOD (PANAY)
MGA TAUHAN:
Kaptan
Siya ang hari ng mga Diyos at Diyosa.
Alunsina
Siya ay isang magandang diwata na umibig sa isang mortal. Kay Datu Paubari.
Datu Paubari
Siya ay isang mortal na umibig sa isang diyosa na si Alunsina. Ang pinuno ng Halawod.
Suklang Malayon
Siya ang kapatid ni Alunsina siya ang nagsabi sa magkabiyak sa masamang plano ng mga dating manliligaw ni Alunsina.
Bungot-Banwa
Siya ay isang ginagalang na pari ang siyang magsasagawa ng ritwal sa tatlong sanggol.
Labaw Donggon
Siya ay isa sa mga anak nila Alunsina at Datu Paubari. Isang binata na mahilig sa magagandang babae. Ito din ang naging dahilan ng kanyang kapahamakan.
Angoy Ginbitinan
Siya ay isa sa napangasawa ni Labaw Donggon, siya ay mula sa bayan ng Handug.
Manalintad
Siya ay isang halimaw na napatay ni Labaw Donggon.
Abyang Durunuun
Siya ay nakatira sa Tarambang Burok, isa din sa napangasawa ni Labaw Donggon.
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata
Siya ang asawa ni Buyong Saragnayan.
Humadapnon
Nangako siya na ipaghihiganti niya ang kapatid hanggang sa kaapu-apuhan ni Saragnayan.
Dumalapdap
Siya ang nakipaglaban sa Balanakon at Uyutang.
Maklium-sa-t’wan
Isa sa mga Dyos na nakipagsundo upang mgakaroon ng pagpupulong upang maudlot ang kasal ni Alunsina at Paubari sa pamamagitan ng isang baha sa halawod.
Balanakon
Isang nilalang na may dalawang ulo.
Uyutang
Siya ang nakalaban ni Dumalapdap na kawangis ng isang paningi na may malaking mga pangil at makamandag na kuko.
Lubay-Lubyok Hanginun
Siya ang kasamang umuwi ni Dumaladap upang pakasalan si Mahuyokhuyokan.
MGA MAHALAGANG PANGYAYARI:
-Noong unang panahon, may isang Dyosa ng kalangitan na nag ngangalang “Alunsina”, sa takot na di na makapag asawa ay iminungkahi ng hari ng mga Dyos na si “Kaptan” na sya ay mag asawa na.
-Isang araw maraming Dyos ang dumating makadaupang palad lamang si Alunsina. Ngunit ang lahat ay bigo sapagkat ang napili ni Alunsina ay isang mortal na nag ngangalang “Paubari”.
-Dahil sa desisyon ni Alunsina ay lubos na ikinagalit ng ilang nabigong dyos. Napagkasunduan ng ilang dyos sa pangunguna ni “Maklium-sa-t’wan” na magkaroon nang pagpupulong upang maudlot ang kasal ni Alunsina at Paubari sa pamamagitan ng isang baha sa halawod.
-Sa pangyayaring iyon ay si Alunsina at Paubari ay nakaligtas sa kapahamakan sa tulong ni Suklang Malayon, ang kapatid ni Alunsina. Natunugan ni Malayon ang plano ng ilang dyos kayat sinabi nitong magpunta sa mataas na lugar sina Paubari at Alunsina.
-Pagkatapos humupa ang baha ay palihim na bumalik si Alunsina at Paubari sa halawod.Matapos ang ilang bwan ay nagsilang si Alunsina ng triplets at pinangalanang Labaw Dongon, Humadapnon at Dumalapdap.
-Pagkatapos isilang ay agad na ipinatawag ni Alunsina ang paring si Bungot-Banwa para gawin ang ritwal upang maging malakas ang mga kambal. Matapos ang ritwal ay naging malalakas at makisig sina Labaw Dongon, Humadapnon at Dumalapdap.
-Paglipas ng panahon ang tatlong magkakapatid ay kapwa nagkaroon ng kanya kanyang pakikipagsapalaran katulad na lamang ni Labaw Donggon na nakipaglaban kay Saragnayan ngunit ito”y bigo at ibinilanggo ni Saragnayan.
-Dahil din sa pagkakabilanggo ni Labaw Donggon ay lubos na nagalit si Humadapnon at Dumalapdap. Nangako si Humadapnon na ipaghihiganti nya ang kapatid hanggang sa kaapu-apuhan ni Saragnayan.
-Pagkatapos umalis ni Humadapnon upang maghiganti ay umalis din si Dumalapdap upang makipagpalaran at pakasalan si “Lubay Lubyok Mahanginun si Mahuyokhuyokan”. nakipaglaban si Dumalapdap sa nilalang na may dalawang ulo na kung tawagin ay “Balanakon”.
-Pagkatapos nito ay nilabanan din ni Dumalapdap ang nilalang na “Uyutang” na kawangis ng isang paningi na may malaking mga pangil at makamandag na kuko. Nilabanan ni Dumalapdap ang Uyutang sa loob ng pitong buwan.
-Naging matagumpay si Dumalapdap at kasama na nyang umuwi si “Lubay-Lubyok Hanginun si Mahuyokhuyokan” upang pakasalan.Nang makabalik na ang magkakapatid ay ipinagdiwang ni Datu Paubari ang tagumpay ng mga ito.
ARAL:
Lahat ng gusto mo kung pinag hihirapan ay pwede mong makamtan.