HUDHUD AT ALIM (IPUGAW)


MGA TAUHAN:
Aliguyun – ang panunahing tauhan sa kwento, siya ay matalino at masipag matuto ng iba’t ibang bagay. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Siya ang nakipaglaban kay Dinoyagan.
Amtalao at Dumulao – ang mga magulang ni Aliguyun
Panga-iwan – ang kaaway ng ama ni Aliguyun at ang ama naman ni Dinoyagan.
Dinoyagan – ang sumagot sa hamon ni Aliguyun. Isang din mabangis sa pakikipaglaban, marunong din sa hiwaga at bihasa sa bakbakan.
Mga tao – mga tao sa kanila-kanilang nayon
Bugan – ang napangasawa ni Aliguyun.
Aginaya – ang napangasawa ni Dinoyagan

MGA MAHALAGANG PANGYAYARI:

-Noong unang panahon may mag-asawang nakatira sa Nayon ng Hananga sina Amtalao at Dumulao. Nagkaroon sila ng anak na ang pangalan ay Aliguyon.

-Habang lumilipas ang panahon at lumalaki narin si Aliguyon siya ay naging isang matalino at masipag matuto ng iba’t ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami. Kaya habang bata pa ay marami ng humahanga sa kanya.

-Noong nagbinata na si Aliguyon ipinasiya niyang sagupaan si Pangaiwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. 
Umabot ng ilang taon ang kanilang pag-aaway ang pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at Dinoyagan.

- Hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko sa dalawa. 
Kanilang napagtanto na pareho silang mabangis at dahas sa kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagdaka’y natuto silang igalang ang isa’t isa.

-Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Dinoyagan at sa wakas ay natigil ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa.
Sa kanilang pag-uusap ang buong lungsod ay sumang-ayon lahat ng tao sa nayon ng Hannanga at Daligdigan.
Sa paglipas ng panahon ang dalawang pamilya ay iginalang ng lahat sa Ifugao at namuhay ng masaya.

ARAL:
hindi ang pakikidigmaan ang solusyon sa matagal na alitan ng bawat pangkat kundi ang solusyon nito ay ang pagpakumbaba at paghingi ng tawad kung ikaw ay nagkasala at upang maiwasan ang alitan palaging isispin na tayong lahat ay hindi perpekto.

Popular posts from this blog

TULALANG- (MANOBO)

INDARAPATRA AT SULAYMAN (MAGUINDANAO)

BIAG NI LAM-ANG (ILOCANO)