IBALON (BICOLANO)

MGA TAUHAN:

Baltog
Siya ang tumalo sa dambuhalang baboy ramo at ang kinilalang hari ng Ibalon.
Handiong
Siya ang namuno sa pagpatay sa dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao.
Oriol
Siya ay isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Siya ang tumulong sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa Ibalon.
Sural
Siya ang nagturo ng sistema ng pagsulat.
Dinahong Pandak
Siya ang nagturo ng paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.
Hablon
Siya ang nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela.
Ginantong
Siya ang gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay.
Rabut
Siya ay isang halimaw na kalahating tao at kalahating hayop.
Bantong
Siya ang pumatay kay rabut. At ang huling namuno sa Ibalon.

MAHALAGANG PANGYAYARI:
-Noong unang panahon, may isang mayamang lupain na tinatawag na Ibalon. Nakarating sa lupaing ito si Baltog, na nagmula sa Batawara at nagpasya siyang manatili at siya ang kinilalang hari dito.

-Naging mapayapa ang lupain ng ibalon hanggang sa dumating ang mapaminsalang baboy-ramo at si Handiong ang namuno upang paslangin ang mga ito.

Namatay ang mga ito maliban kay Oriol, isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig na siyang tumulong sa iba pang masasamang hayop.

Naging payapa at maunlad ang Ibalon. Tinuruan ni Handiong ang mga tao ng maayos na pagsasaka at ang piling tauhan nito ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo ng maraming bagay.

Lalong umunlad ang Ibalon dahil dito, ngunit may halimaw na namang sumipot, ito ay si Rabut. Inihandog ni Bantong ang sarili kay Handiong upang siya ang pumatay kay Rabut.
Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut kaya kanya itong pinatay habang natutulog.

Subalit nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut.
Kaya, pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha. Nasira ang mga bahay at pananim at namatay ang ilan sa mga tao.

Ilan lamang ang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok at nakaligtas. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon sa pamumuno ni Bantong.

ARAL:
Kailangan maging matulongin at wag gumawa nang masama at kapahamakan sa kapwa.

Popular posts from this blog

TULALANG- (MANOBO)

INDARAPATRA AT SULAYMAN (MAGUINDANAO)

BIAG NI LAM-ANG (ILOCANO)