INDARAPATRA AT SULAYMAN (MAGUINDANAO)


MGA TAUHAN:

Indarapatra
Siya ang dakila at matapang na hari ng Mantapuli siya ay nag mamay ari ng isang makapangyarihang singsing, meron rin siyang mahiwagang kris, at isang mahiwagang sibat. Siya rin ang nakapatay sa halimaw na si balbal. 
Sulayman
Siya ang kapatid ni Indarapatra siya ay isang dakilang ,mandirigma inatasan siya ni haring Indarapatra na puksain ang mga ibon at mababangis na hayop na namiminsala sa mga tao.
Hinagud
Siya ang sibat na hinagis ng ubod ;akas ni Indarapatra at nakarating sa Bundok ng matuntun,ang nag ulat sa hari na namiminsala ang mababangis na halimaw.
Tarabusaw
Siya ang halimaw na mukhang tao na talagang nakakatakot pagmasdan ang sinumang tao na kanyang makita ay agad niyang kinakain.
Pah
Siya ang halimaw na may napakalaking pakpak sa katunayan ay napapadilim niya ang bundok ng Bita sa laki ng kanyang pakpak.
Balbal
Siya ang ibong may pitong ulo.
Kurita
Siya ay isang halimaw.
Juris pakal 
Ang engkantadong sibat ni Indarapatra.
Matandang babae
Siya ang matandang babe ang lumabas sa taguan ng mga tao at nakipag-usap kay Indarapatra.
Magandang dalaga 
Siya ang nakita ni Indarapatra na kumuha ng tubig sa sapa at ang kanyang pinakasalan.

MAHALAGANG PANGYAYARI:

-Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli.

-Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.

-Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.

-Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.

-Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman.

-Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito’y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.

-Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.

ARAL:
Ang magandang relasyon ng magkapatid ay
gawin ang lahat ng makakaya At huwag susuko at higit sa lahat, huwag humingi ng kapalit.

Popular posts from this blog

TULALANG- (MANOBO)

BIAG NI LAM-ANG (ILOCANO)