TULALANG- (MANOBO)
MGA TAUHAN:
Tulalang - panganay na anak - matangkad, payat, may maitim na ngipin at mahabang buhok
pinuno ng Kulaman Matanda - naawa kay Tulalang at sa kanyang mga kapatid may kapangyarihan.
Babaeng kapatid ni Tulalang - hiyas ng magkakapatid may kapangyarihang mag ibang anyo. gadaliri lamang - nagtatanim ng mahiwagang rosas
Agio - mayabang na heneral ng Kulaman - nag-anyong pulubi - makisig na binata - pinsan ni Tulalang
Macaranga - maganda - anak ng isang hari Hari ng mga Bagyo - pinakamalakas na kaaway ni Tulalang.
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI:
Si Tulalang ay panganay na anak ng isang mag asawang mahirap. Nagtungong gubat upang manguha ng rattan si Tulalang nang may lumapit na matanda at sinabi na huwag na silang mag-alala at hindi na sila magugutom kailanman. Pagkalipas ng panahon, nanirahan sila sa isang “torohan” o palasyo. Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay nanatili pa rin silang masisipag.
Sinalakay ni Agio ang kaharian ni Tulalang. Nagtulong-tulungan ang magkakapatid na sila Tulalang, Mangampitan at Minalisin sa pagsugpo kay Agio. Nang matamaan ng sibat si Agio, bumalik ito sa dati nitong anyo na pulubi at makalipas ang ilang sandali naging makisig na binata ang pulubi. Napag alaman din na si Tulalang at Agio ay mag pinsan. Si Tulalang ay napag sabihan tungkol sa higante na kumakain ng tao at niligtas ang bihag nitong dalaga.
Napagpasyahan ng dalaga na pakasalan si Tulalang ngunit nalaman niya na sinalakay ang Kulaman ni Bagyo at binihag ang kapatid na babae na ninanais pakasalan. Pinakamalakas na kaaway siya ni Tulalang sapagkat di siya nakikita.
Bago ang labanan, huminga muna si hari ng mga Bagyo at ang kanyang mga tauhan sa isang bote at isinabit ito sa loob ng kanilang palasyo. Nang maglabanang dalawang pangkat, napansin ni Tulalang na sa bawat napapatay na kaaway ay dalawa ang pumapalit. Nagpanggap bilang kulasisi si Tulalang at nakuha ang bote na pinag-iwanan ng mga kaluluwa ng hari at kawal nito. Napilitang sumuko ang hari at mga tauhan nito dahil tinakot na babasagin ito.
Sa pagtatagumpay ni Tulalang ay sinabi niya na ang“sarimbar”na galing sa langit ay darating upang sila ay kunin. Nagdala ng balita ang hangin na isang baboy ramo ang sasalakay sa Kulaman at isang bigante ang haharang sa “sarimbar” patungong langit . Napatay niya ang mga ito. Tanghaliang tapat nang bumababa ang “sarimbar”. Ang mga kapatid ni Tulalang at ang mga mamamayan ay nagging maligaya sa kalangitan at nagtamo ng buhay na walang hanggan.
ARAL:
Maging masipag at darating ang biyaya at pagiging mabuting kapatid at lider na kayang ipagtangol ang nasasakopan